Date: 2/13/2009
ang tabo
May isang dalaga, galing sa silid. Tuloy sa kusina, tabo ay hinagid.Doon sa tapayan, sumalok ng tubig.Hanggang sa batalan, tabo ay bitbit.At ang dalaga'y luminga-linga pa,Kanyang tinitiyak kung may nakakakita.At nang inaakalang siya'y nag-iisa, biglang naupo, naglislis ng sayaAt sa kaginsa'y aking narinig, ang pabugso-bugsong lagaslas ng tubig.Kitang-kita ko pa sa siwang ng sahig, ang kaliwang kamay n'ya ay kiskis ng kiskis.At maya-maya pa'y dalaga'y tumayo, kanyang isinabit ang hawak na tabo.Dinig na dinig ko pa ang wikang masuyo, Salamat o, Tabo naalis ang BAHO.
Blogs
Main